Home Features Karen Davila instant meme dahil kay Lyca

Karen Davila instant meme dahil kay Lyca

398
0

Biglang naging internet sensation si Karen Davila sa kanyang latest vlog kung saan kanyang guest ang singer na si Lyca Gairanod.

Laman ngayon ang dalawa ng mga internet memes lalo na ang reaksyon ni Karen nang malaman niya na ka-birthday niya ang batang singer.

Ang matindi pa rito, nasa dulong bahagi ng vlog at tila nilagay bilang blooper ang nakakalokang reaksyon nina Karen at Lyca.

“Kelan ang birthday mo?” tanong ni Karen.

“November 21 po,” tugon naman ni Lyca.

“Oh my God!!! Birthday ko ‘yon,” pasigaw na reaksyon ni Karen kung saan kita namang nagulat rin si Lyca, na siya ring pinagmulan ng memes.

May mahigit 600,000 views na ang vlog ni Karen mula ng ipost noong Agosto 14.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

13 − six =