Home Features Karen Davila may podcast na sa Spotify!

Karen Davila may podcast na sa Spotify!

402
0

Kinakarir na ni Karen Davila ang pagiging social media influencer.

Bukod sa aktibong account sa Twitter, Instagram at pagkakaroon ng YouTube channel, ngayo’y papasukin na rin ni Karen ang pagkakaroon ng podcast.

Ibinahagi niya ito sa kanyang IG post.

“Hello Guys… Excited to share with you The Karen Davila Podcast, a limited series under @globestudios every Thursday,” saad sa caption.

Let’s be brave and open enough to start conversations that matter about life and everything in between!” dagdag pa niya.

Nasa bio ng IG account ni Karen ang Spotify link ng kanyang podcast.

Nagsusunod-sunod na ang tagumpay ng broadcaster sa social media.

Kamakailan lamang ay ibinahagi rin niya sa IG na umabot na sa mahigit 1 milyon ang views ng vlog niya kasama si Raffy Tulfo.

Ito ang most viewed video ngayon sa kanyang channel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

five − 5 =