Home Features Karen Davila nalungkot sa pagpanaw ni Claire dela Fuente

Karen Davila nalungkot sa pagpanaw ni Claire dela Fuente

367
0

Isa si ABS-CBN journalist Karen Davila sa mga nagdalamhati sa pagpanaw ng OPM singer na si Claire dela Fuente.

Sa tweet ng mamamahayag, pinaabot nito ang kanyang pakikiramay sa mang-aawit, na aniya’y madalas niyang makausap dahil nadawit ang anak ni Claire na si Gigo sa pagkamatay ni Christine Dacera.

“This is a shock. Nakakalungkot. I have been in touch with Claire recently because of the Dacera case. She was helping her son’s friends, some who couldn’t afford lawyers,” ayon kay Davila.

“With the many deaths around us, may we learn never to take anyone we love for granted,” aniya pa.

Pumanaw si Claire nitong Martes dahil sa cardiac arrest. Kinumpirma ng anak nito na tinamaan ng COVID-19 ang singer isang linggo bago yumao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

9 + eighteen =