
Sinupalpal ni Karen Davila ang mga haka-hakang binabayaran siya ng politiko sa kanyang mga panayam bilang newscaster.
Bagamat hindi na makita ang tweet na nag-trigger sa reaksyon ni Karen para ipaliwanag ang kanyang panig, nagsalita na rin ang newscaster para linawin na hindi siya bayaran.
“I have been in news for 28 years. I have never been paid or accepted money to interview a politician in any of my programs – be it today on my youtube channel,” pahayag ni Karen bilang reply sa isang deleted tweet.
“No, I do not get paid to feature or interview politicians. Thank you,” dagdag pa ni Karen.
Si Karen ay may YouTube channel kung saan isa na sa na-feature niya si Senador Manny Pacquiao, habang may regular din siyang palabas sa ANC kung saan marami siyang kinakapanayam na politiko.
I have been in news for 28 years. I have never been paid or accepted money to interview a politician in any of my programs – be it today on my youtube channel.
No, I do not get paid to feature or interview politicians. Thank you. https://t.co/kPd4L3upmc
— Karen Davila (@iamkarendavila) September 16, 2021