RP
Hindi lubos maisip ng ABS-CBN veteran journalist na si Karen Davila kung bakit tinaon pa sa COVID-19 pandemic ang pagpapatigil-operasyon ng ABS-CBN.
Sa tweet ni Davila, kita ang pagkadismaya nito dahil sa pagpapasara sa TV network ng National Telecommunications Commission (NTC) na naghain ng cease and desist order.
“Sa dami ng problema ng Pilipinas… sa dami ng may sakit at namamatay sa Covid… sa laki ng problema ngayon sa ekonomiya…. sa dami ng nawalan ng trabaho dahil sa covid…. Talagang pagpapatigil ng ABSCBN ang inatupag nila,” saad ni Davila.
“Hindi ko maintindihan nasaan ang puso ng mga ito.”
https://twitter.com/iamkarendavila/status/1257598336686673920
Kung hindi mapipigilan ang cease and desist order ay tinatayang 11,000 empleyado ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho.