Home Features Karen Davila sa paglipat-bakod ni Bea Alonzo: Lahat po tayo kailangan magtrabaho

Karen Davila sa paglipat-bakod ni Bea Alonzo: Lahat po tayo kailangan magtrabaho

295
0

May mensahe si ABS-CBN journalist Karen Davila sa mga nanghuhusga dahil sa desisyong pag-alis ng isang artist.

Hindi man pinangalanan ni Davila, tila dinepensa ng mamamahayag si Bea Alonzo sa ginawang paglipat nito sa GMA Network.

“Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave,” ayon sa tweet ni Davila.

“Hindi po natin alam ang buong kuwento. Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho.”

Aniya pa, maliit lang ang media at entertainment industry kaya’t naniniwala si Karen na magkikita-kita rin sila.


Isang netizen naman ang pumalag at pinaliwanag na inabandona umano ni Bea ang isang project bago ito lumipat at maging Kapuso.

“Di po mapigilan ang temper namin kasi May on going projects po siya but she chose to abandon it,” saad ni @akosibonbonbon.

May nakatakda kasing proyekto si Bea sa Star Creatives na ‘Kahit Minsan Lang’, ngunit ayon sa ilang report ay natakot umano mag-shoot ang aktres dahil sa COVID-19 pandemic.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

13 − 1 =