Home Features Kim Atienza nakiusap kay Duterte: Bugbog sarado na po kami

Kim Atienza nakiusap kay Duterte: Bugbog sarado na po kami

59
0

Hindi nagustuhan ni Kim Atienza ang naging banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 26.

Matatandaang nabanggit ni Duterte ang network na hindi nagbabayad ng buwis, dahilan kung bakit ito naipasara noong 2020.

“I will give it to a Filipino na gustong magawa ng tamang ano and pay, because sa ABS-CBN, even their equipment were imported tax-free, kaya talaga ako hindi papayag,” saad ni Duterte sa kanyang SONA.

“They still owe government billions,” pahayag pa nito.

Dahil sa pagpapasara ng network ay libo-libong empleyado ang nawalan ng trabaho, maging mga artista ay lumipat na rin ng ibang network.

Kaya naman sa Twitter ay pumalag si Atienza sa patutsada ng pangulo.

“Mr President, with all due respect, bugbog sarado na po at dapang dapa na ang kumpanya namin. Jobless na po ang madami kong kaibigan at wala na po kaming audience. Tama na po sana. Salamat po sir,” saad sa tweet ni Atienza.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

eleven + 17 =