Home Features Kuya Kim nagluksa sa pagpanaw ni hero dog Kabang

Kuya Kim nagluksa sa pagpanaw ni hero dog Kabang

38
0

Isa si Kim Atienza sa mga nabigyan ng pagkakataon na makita ng personal ang tinaguriang ‘hero dog’ na si Kabang.

At hindi nakalimot si ‘Matanglawin’ sa pagpanaw ng asong itinuring na bayani.


Si Kabang ay binansagang hero dog matapos nitong iligtas ang dalawang bata mula sa humaharurot na tricycle sa Zamboanga City noong 2012.

Dahil sa insidente ay natapyas ang malaking parte ng bandang ulo ni Kabang, dahilan para magtulong-tulong ang mga netizen para madala ito sa US at doon ipagamot.

Ayon kay veterinarian Dr. Anton Lim, posibleng dahil sa katandaan kaya namayapa si Kabang.

Saad ni Kuya Kim, umabot ng 13 taon si Kabang, na kung ihahambing sa buhay ng isang tao ay nasa 91 anyos na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

17 + four =