Home Features Kuya Kim sinopla si Mario Maurer: Hindi mo fan si Rabiya

Kuya Kim sinopla si Mario Maurer: Hindi mo fan si Rabiya

379
0

Binutata ni Kim Atienza si Thai actor na si Mario Maurer matapos nitong sabihin na fan niya raw si 2021 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Sa isang press conference, sinabi ni Mario na narinig umano niya na hinahangaan daw siya ng beauty queen.

“I heard that Rabiya is a fan of mine. I am very happy to hear that,” ayon kay Mario.

Bumalikwas naman si Kuya Kim at pinasinungalingan ang sinambit ni Maurer, kung saan pinagtanggol din niya ang komedyanteng si Kakai Bautista.

“No Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that,” ani Atienza.

Matatandaan na nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Kakai at Mario matapos na magkasama ang dalawa sa isang pelikula.

Nagbanta ang kampo ni Mario na kakasuhan si Kakai kung hindi titigil ang Pinay sa pagbanggit ng pangalan ng Thai actor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

six + 10 =