Home Features Kuya Kim sinupalpal si Marco Gallo

Kuya Kim sinupalpal si Marco Gallo

362
0

Pinangaralan ni Kim Atienza si Marco Gallo tungkol sa sinabi ng aktor na dapat ay mas nagpopost si Kisses Delavin sa social media tungkol sa kanyang buhay.

Naganap ang pahayag ni Marco sa virtual press conference ng pelikula niyang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, kung saan tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa pagsali ni Kisses sa Miss Universe Philippines.

Si Kisses ay dating ka-love team ni Marco.

Bagamat pinuri pa noong umpisa, may siningit si Marco na nakakuha ng atensyon ni Kuya Kim.

“If she is listening right now, Kisses, post a little bit of your life more…That is all we see, your sponsors. Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore,” ani Marco.

Kaya’t sa comment section ng isang artikulo kung saan ipinost ang sinabi ni Marco, matinding pangaral ang komento ni Kuya Kim.

“Your private life need not be shared on social media Marco. She is blessed she has lots of endorsements. You should be happy for her. Back to you guys,” pahayag ni Kuya Kim.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

15 + fourteen =