Home Features Kuya Kim: Taiwan is a country

Kuya Kim: Taiwan is a country

33
0

Paulit-ulit na giniit ni Kim Atienza na bansa ang Taiwan.

Ito’y reaksyon ng ABS-CBN journalist sa isang artikulo kung saan humingi ng paumanhin ang wrestling superstar na si John Cena nang matawag na bansa ang Taiwan.

Ayon kay Cena, nirerespeto niya ang China at mga Chinese kaya siya humingi ng paumanhin sa umano’y pagkakamali.

“I made one mistake. I have to say something very, very, very important now. I love and respect China and Chinese people. I’m very, very sorry about my mistake. I apologize, I apologize, I’m very sorry,” ayon kay Cena sa report ng South China Morning Post.

Itinuturing ng China na teritoryo nila ang Taiwan, na mariing tinutulan ng mga Taiwanese people.

Tinutulan naman ni Kuya Kim ang pag-sorry ni Cena, dahil para sa kanya ay walang mali na sabihing bansa ang Taiwan

Ayon kay Atienza, ang kanyang asawa na si Felicia Hung ay isang Taiwanese, at ang kanilang mga anak ay half-Taiwanese.

“My wife is Taiwanese and my kids are half. They have a country and it’s called Taiwan,” saad ni Kuya Kim.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

18 − 12 =