
Kinilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang journalistic effort ni Chiara Zambrano sa kanyang pagpunta sa West Philippine Sea para malaman ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China.
Sa tweet ng ABS-CBN reporter, kanyang binahagi ang plaque of recognition na ibinigay sa kanya ng AFP.
“The Armed Forces of the Philippines through Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana recognized the journalistic efforts in ABS-CBN’s coverage of the West Philippine Sea,” saad sa tweet ni Zambrano.
“Sobejana says they acknowledge the role of journalism in raising public awareness of issues.”
The Armed Forces of the Philippines through Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana recognized the journalistic efforts in ABS-CBN’s coverage of the West Philippine Sea. Sobejana says they acknowledge the role of journalism in raising public awareness of issues. @ABSCBNNews pic.twitter.com/dqnpKzeMH5
— Chiara Zambrano (@chiarazambrano) April 14, 2021
Nagtungo ang ABS-CBN News team sa West Philippine Sea kasunod ng mga balitang pagkakaroon ng mga sasakyang pandagat ng China sa naturang teritoryo.
Habang papuntang Ayungin Shoal ay hinabol sina Zambrano ng tatlong barko, na napag-alamang mula sa Chinese Navy.