Home Features Magbalik lang E’heads! Cesca Litton gusto tumakbo si VP Leni

Magbalik lang E’heads! Cesca Litton gusto tumakbo si VP Leni

388
0

Isa si Cesca Litton-Kalaw sa mga naexcite nang sabihin ni Ely Buendia na posibleng magkaroon ng reunion ang Eraserheads.

‘Yun nga lang, may kondisyon na ibinigay si Ely: ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa 2022.

Ito ang sagot ng dating Eraserheads frontman sa tanong ng netizen kung kailang magkakaroon ng reunion ang banda na nag-disband noong 2002.

Kaya ang panawagan ni Cesca, sana ay tumakbo na si Robredo.

“Ma’am. Please. My childhood is screaming,” saad sa tweet ni Cesca na reaksyon niya sa sinabi ni Ely.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang desisyon si Robredo sa kanyang plano sa 2022.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

seven + 14 =