Home Features Magdyowa nga ba? Pinky Webb kinilig kina Atom Araullo, Zen Hernandez

Magdyowa nga ba? Pinky Webb kinilig kina Atom Araullo, Zen Hernandez

504
0

May namumuong love team sa pagitan ng dalawang batikang journalist mula ABS-CBN at GMA-7.

Ito’y naungkat matapos na mag-post si CNN Philippine anchor Pinky Webb kung saan nakita niya ang dalawa sa Balesin Island.

“It was such a nice surprise‼️ Syempre, kinilig ako,” sey ni Pinky, na dati ring nasa bakuran ng Kapamilya network.

May pahaging pa na ‘Family is love’ si Webb na lalong nagpagulo ng utak ng mga netizen kung magkarelasyon ang dalawang reporter.

Pinost ni ni Zen sa kanyang Instagram ang larawan niya kasama sina Pinky at Atom.


Lalo pang naintriga ang mga netizen nang biruin ni Atom si Zen sa isang post nito kung saan ang GMA anchor pala ang kumuha.

“Bakit walang photo credit,” banat ni Atom.

“Ay sorry naman hihi,” tugon naman ni Zen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

one × 3 =