Home Features Mara Aquino nawindang sa ‘kamandag’ ni Ch4knu

Mara Aquino nawindang sa ‘kamandag’ ni Ch4knu

55
0

Nawindang si Mara Aquino kung bakit siya binabanggit ng mga netizen sa tuwing may balita sa lovelife ng sikat na Mobile Legends player na si Joshua ‘Ch4knu’ Mangilog.

Sa isang tweet nitong Linggo ay ibinahagi ni Mara na tina-tag siya sa mga post tungkol sa lovelife ni Ch4knu.

“Bakit ba palagi akong tina-tag na may bagong girl na si Ch4knu,” saad sa tweet ni Mara.

Naging tampulan ng asaran sina Mara at Ch4knu lalo na noong Mobile Legends Southeast Asian Cup kung saan sinabi ng ML player sa panayam na maganda ang kanyang nilaro dahil naroon ang TV host.

Matatandaang naging susi noon si Ch4knu para makuha ng koponang Execration ang kampeonato.

Si Mara ay gumagawa ngayon ng pangalan bilang host ng Mobile Legends Professional League (MPL) sa Pilipinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

nine + 5 =