Home Features Marami namamatay kahit kumpleto turok: Joel Reyes Zobel nabawasan tiwala sa bakuna

Marami namamatay kahit kumpleto turok: Joel Reyes Zobel nabawasan tiwala sa bakuna

349
0

Aminado si dzBB anchor Joel Reyes Zobel na naapektuhan ng pagkamatay ng kanyang kaibigan ang tiwala niya sa COVID-19 vaccine.

Kwento ni Reyes Zobel, ang kanyang kaibigan ay sinusulong ang bakuna laban sa new coronavirus.

Mayo pa raw ito na-fully vaccinated, ngunit nasawi pa rin ito sa COVID-19 noong Biyernes.

“My faith in the covid vaccines has been jolted. A friend died early this morning due to covid complications. He was an advocate of covid vaccination,” saad ng radio personality.

“Ang pangako ng bakuna, hindi ka mamamatay. Yet marami ng namatay sa covid na bakunado,” aniya pa.

Giit niya, hindi dapat sabihin na walang magiging kritikal o mamamatay kapag nakapagpabakuna na para hindi maging kampante laban sa virus.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

eleven + 1 =