Home Features Mariz Umali swerte kay Raffy Tima

Mariz Umali swerte kay Raffy Tima

414
0

Binuking ni Mariz Umali na napaka-supportive ng asawa niyang kapwa reporter na si Raffy Tima.

Sa isang episode ng ‘Tunay na Buhay’, kinuwento ni Mariz ang isang pangyayari sa kanilang bakasyon noon sa South Korea.

Kwento ni Maris, na isang K-Drama fan, nakita nila noon ang mga heartthrob na sina Ji Chang Wook at Lee Min Ho.

Dito rin daw niya nakita kung gaano ka-supportive si Raffy.

“I was the official photographer and videographer,” kwento ni Raffy.

“Yes, imagine: We (fans) were all girls, and he was the only man there,” sagot naman ni Mariz.

Kaya naman kung papipiliin sila kung saan nila gustong magbakasyon pagkaraan ng pandemya, pareho nilang sinagot ang bansang South Korea.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

5 × five =