Home Features Matapos sibakin ng CebuPac: Steve Dailisan may bagong trabaho!

Matapos sibakin ng CebuPac: Steve Dailisan may bagong trabaho!

443
0

Nakahanap kaagad ng bagong break sa airline industry ang dating journalist na si Steve Dailisan.

Sa kanyang Facebook post, kanyang binahagi na siya’y kinuha bilang public affairs head ng AirAsia, kung saan proud niyang pinakita ang kanyang suot na jacket mula sa nasabing airline.

“Today, I am RED-y for yet another challenging role — to be with you, and empathize with you, our flying public. I am more than RED-y to provide you relevant information to ensure your safety, comfort, and #Allstar experience amid this pandemic,” ayon kay Steve.

Aniya, naisip niyang bumalik sa journalism, government service o sa pagtuturo nang biglang bumukas ang pinto sa bagong karera na kanyang tatahakin.

“And for everyone who lost their dream job, their nurtured businesses, their family member or anything precious during this difficult time, just hang in there! You will definitely find your way back! PRAY and BELIEVE that a new opportunity awaits,” sey pa ng dating GMA reporter.

Si Steve ay naging licensed pilot noong 2019 kung saan nagtrabaho siya sa Cebu Pacific, ngunit napasama sa mga na-retrench dahil sa COVID-19 pandemic.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

eleven + 5 =