Literal na super lamig ang January ni Mav Gonzales dahil nagbabakasyon siya ngayon sa Seoul sa South Korea.
Gamit ang hashtag na #SeoulmateSearching at #FindingOppa, nagkabit si Mav ng kanyang lovelock sa romantic place na Namsan Seoul Tower.
Mahanap kaya ni Mav ang Oppa niya sa bakasyong ito? Mapansin kaya s’ya ng nakita n’yang Korean actor na si si Lee Seung-gi?
Abangan natin sa kanyang future posts!