Home Features Mga viewer nagtaka! TeleRadyo nawala sa ere

Mga viewer nagtaka! TeleRadyo nawala sa ere

338
0

Pansamantalang mawawala sa ere ang TeleRadyo.

Ayon sa Facebook page ng DZMM TeleRadyo, kailangang isailalim sa COVID-19 protocols ang kanilang opisina.

“Mga Kapamilya, pansamantalang liliban ang TeleRadyo sa paghahatid ng mga programa upang magsagawa ng mga itinakdang COVID-19 protocols sa loob ng aming opisina,” saad sa post.

“Maaari ninyong mapanood sa ngayon ang mga programa ng ANC ng TeleRadyo. Maraming salamat po,” dagdag pa ng post.

Bago ang naturang post, ilang mga masugid na tagasubaybay ng TeleRadyo ang nagtaka kung bakit programa ng ANC ang pinapalabas nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

fourteen + 5 =