Home Features Michael Fajatin: Harry Roque kamote!

Michael Fajatin: Harry Roque kamote!

529
0

Hindi makapaniwala si dating GMA reporter Michael Fajatin sa comment ni presidential spokesperson Harry Roque tungkol sa isang beauty brand na nilagyan ng ‘Manila, PR [province] of China’ ang kanilang produkto.

Saad ni Fajatin, hindi pwedeng sabihin ni Roque na ‘kalokohan’ ang naturang balita dahil ginawa na umano ito ng nasabing beauty product mula sa China.

Ito’y matapos na ipagsawalang-bahala ni Roque ang naturang produkto na Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair kung saan sinabing probinsya ng China ang Maynila.

“Kalokohan lang po ‘yan. Hindi dapat pinapansin ‘yan dahil wala namang naniniwala na tayo’y probinsya ng Tsina,” saad ni Roque.

Hindi ito nagustuhan ni Fajatin at tinawag pang kamote ang naging komento ni Roque.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

fifteen + two =