Home Features Misis nakaligtas! Range Rover ni Kuya Kim, nagliyab sa Taguig

Misis nakaligtas! Range Rover ni Kuya Kim, nagliyab sa Taguig

1134
0

Tustado ang harapan ng sasakyan ng ABS-CBN ‘Matanglawin’ host na si Kim Atienza matapos itong magliyab sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa Instagram post ng Kapamilya host, nagpasalamat ito dahil hindi napahamak ang kanyang asawa na si Felicia Atienza, na posibleng ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan ng mangyari ang insidente.

Makikita sa video na malaki ang apoy mula sa harapang bahagi ng sasakyan ni Kuya Kim, na base sa mga larawan ay nasunog maging ang upuan sa driver’s seat pati ang manibela.

“This car served us well. Bye bye Rangie,” saad sa post ni Kuya Kim.

Ilan naman ang nag-alala sa nangyari katulad nina Karen Davila, Angel Locsin, Kris Lawrence at iba pang kasamahan sa industriya ni Atienza.

RP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

18 + fourteen =