Home Features Mr. Fu: Hindi basura ang tingin ko kina Cristy, Lolit

Mr. Fu: Hindi basura ang tingin ko kina Cristy, Lolit

30
0

Mataas ang tingin ng radio host na si Mr. Fu sa kapwa radio hosts at columnists na sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Ito ay dahil kapag may basher ang dalawa, handa si Mr. Fu na rumesbak at barahin ang mga hater lalo na sa social media.

Partikular dito ang isang tweet kamakailan na sinabihan si Mr. Fu na nahawa na umano ng pagka-basura kina Lolit at Cristy.

Ayon kay Mr. Fu, nanay na ang tingin niya sa dalawang radio host.

“Mga nanay ko sila kaya di basura ang tingin ko sa kanila. pero kung para sayo basura kami, tara sama sama tayo. hahaha!” ani Mr. Fu.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

20 − 10 =