Home Features Mula LV hanggang Gucci! Raffy Tulfo nakakalula mga branded shoe

Mula LV hanggang Gucci! Raffy Tulfo nakakalula mga branded shoe

29
0

Mala-department store ang koleksyon ni Raffy Tulfo ng mga sapatos at necktie, na kanyang ipinasilip sa vlog ni Karen Davila na inilabas sa YouTube noong Hulyo 10.

Mamahalin ang brand ng mga necktie ni Raffy gaya ng Hermes, Versace, Gucci at Louis Vuitton.

Gayundin ang kanyang mga sapatos na Balenciaga, Louis Vuitton, Dolce and Gabbana, Gucci, Burberry, at Christian Louboutin.

Sa kabila nito, ikinuwento ni ‘Idol Raffy’ ang kanyang mga pinagdaanan bago naabot ang rurok ng tagumpay at yaman.

“Dalawa lang shoes ko noong nag-aaral ako. Goma at saka combat boots. And then nanghihiram ako sa mga kapatid ko,” kwento nito.

“Dinaanan ko lahat ‘yung hirap. Ngayon na meron ako, alam ko kung gaano kasarap ‘yung tumatanggap. Kaya kapag namimigay ako, sinasabi ko, ‘Alam ko masayang-masaya ‘to sa puso niya because nandoon ako dati,'” saad ni Raffy.

Sa dami ng kanyang mga damit at accessories, magpapatayo pa ito ng property kung saan magkakaroon ng sapat na espasyo para sa mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

20 − 6 =