Nagulantang si Howie Severino dahil may naramdamang tila gumagalaw habang iniinom niya ang kanyang shake.

Kuwento ng GMA journalist, naging kaugalian na nilang pamilya ang pag-inom ng power shake bilang proteksyon sa COVID-19.

Nang umiinom na siya kasama ang kanyang anak, dito niya napansin na may nakakakiliti sa kanyang labi.

At nang tingnan niya ito ay isang butiki ang nakalublob sa iniinom niyang shake.

“When I looked inside my glass, there was a butiki (a common house lizard) looking back at me with its beady eyes, appearing as surprised as I was,” ayon kay Howie.

“If I had consumed my power shake more ravenously, I might have swallowed the butiki, and who knows what I’d be writing now (maybe from a hospital bed?),” aniya pa.

Kaagad din niyang pinakawalan ang butiki.

A kinda gross power shake story

Like many others these days, my family has a heightened interest in boosting our immune…

Posted by Howie Severino on Friday, April 30, 2021

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *