Home Features Nas Academy cancelled kay Jessica Soho

Nas Academy cancelled kay Jessica Soho

339
0

Umatras na si Jessica Soho sa pagtuturo niya sana sa Nas Academy.

Sa pahayag ng batikang GMA journalist, pinaabot nito na kinansela niya na ang kanyang course sa naturang platform ng vlogger na si Nas Daily.

“In light of recent events, and after our team’s series of communications with Nas Academy, we decided and mutually agreed not to pursue the Jessica Soho course,” lahad sa statement.

“Nas Academy has informed us that they are working with the NCIP. We hope for the resolution of all issues raised,” aniya pa.

Ang isyu ay nag-ugat matapos akusahan si Nas Daily na ‘scam’ umano ang kanyang Academy tungkol kay Apo Whang Od, isang kilalang tribal tattoo artist sa Kalinga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

fifteen − 6 =