Home Features Nimfa Ravelo isang oras naghintay sa DOH COVID hotline

Nimfa Ravelo isang oras naghintay sa DOH COVID hotline

354
0

Nalungkot si dzBB anchor Nimfa Ravelo dahil sa dagsa ng tawag sa hotline ng Department of Health para sa mga concern ukol sa COVID-19.

Ayon sa mamamahayag, isang oras siyang naghintay para may makausap sa COVID hotline.

“Pambihira ang COVID hotline ng DOH. Isang oras na akong kinakantahan ng Bida Solusyon,” lahad ni Nimfa.

Napag-alaman niya na maraming natatanggap na tawag ang nasabing hotline at hiniling na sana’y magdagdag ng staff ang DOH para sa mga tumutugon sa COVID-19 related concern.

“Siguradong maraming tumatawag. Nakakalungkot at nakakapanghina lang para sa pasyente na hindi makahinga at sa pamilya na nagpa-panic na,” aniya pa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

17 − 5 =