Curious si dzBB anchor Nimfa Ravelo sa ilang kasamang personal detail na hinihingi sa mga contact tracing form.

Isa rito ang form mula sa MRT3, kung saan kasama ang birthday sa kinukuha sa mga pasahero.

“Nagagamit nga ba ito sa contact tracing? Bakit pati birthday hininingi? Nagtatanong lang po,” lahad ni Ravelo.

Tumugon naman si Senador Sherwin Gatchalian at sinabing abala lang ang naturang form.

Aniya, dapat ay QR scan na lang ang gamitin para mapabilis ang contact tracing.

Sumang-ayon naman si Ravelo at sinabing wala namang tumitingin kung tama ang sinusulat sa mga contact tracing form.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *