Home Features Nonoy Espina pumanaw sa edad na 59

Nonoy Espina pumanaw sa edad na 59

289
0

Sumakabilang-buhay na si Jose Jaime ‘Nonoy’ Espina nitong Miyerkoles.

Ayon sa pamilya ng beteranong mamamahayag, pumanaw si Espina sa pakikipaglaban nito sa liver cancer, nasawi sa loob ng kanyang tahanan sa Capitol Heights, Barangay Villamonte, Bacolod.

Siya ay edad 59.

“Paalam, Nonoy Espina. Till we meet again. The whole family — wife, Leny Rojo Espina, his children Mayumi Liwayway Rojo Espina and Daki Ojor Espina, his siblings, nieces and nephews and grand nieces and grand nephews — wish to tell relatives and friends, and colleagues, that Nonoy (Jose Jaime Llavore Espina) passed on peacefully, quietly surrounded by family tonight, at 9:20,” ayon sa pahayag ng kanyang pamilya na ipinaabot ni Inday Espina-Varona.

Bukod sa kanser ay nalampasan din ni Espina ang severe na kaso ng COVID-19.

Si Espina ay naging chairperson ng National Union of Journalists in the Philippines, at nagsilbi bilang editor ng Inquirer.net.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

5 × 3 =