Bumuhos ang biyaya para kay Lorraine Pingol, ang nurse na nag-viral dahil sa pagpapaanak nito sa isang buntis na palaboy sa kalsada.
Sa Youtube video ng ‘Raffy Tulfo in Action’, nakausap ni Idol ang nurse kung saan dito niya pinaalam ang kanyang reward dahil sa kabayanihang ginawa ni Lorraine.
Matapos malaman ni Raffy na may sakit na acute myeloid leukemia ang naturang nurse, hindi ito nagdalawang-isip na bigyan ng P100,000 reward si Lorraine na kanyang magagamit para sa maintenance, check-up at gamot.
Tinawag ni Raffy na ‘God’s perfect plan’ ang pagtulong ni Lorraine sa kapwa kaya ito naman ang kanyang tinulungan.