
Tila hindi nakatulog ang mga troll sa pagbanat kay ABS-CBN veteran journalist Karen Davila kasunod ng kanyang panayam kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Sa tweet ni Karen, sinabi nito na tila naka-overtime ang operation para siya’y siraan sa social media.
Wow. Overtime. Sipag ng ops. Good morning ☕️
— Karen Davila (@iamkarendavila) February 22, 2020
Maging ang dating Comelec Commissioner na si Atty. Gregorio Larrazabal ay napansin din ang patama ng troll kay Karen.
Interesting…. There appears to be a concerted ops/attack against @iamkarendavila on @Twitter and @Facebook today..
— Gregorio Larrazabal® 🇵🇭 (@GoyYLarrazabal) February 22, 2020
Sa panayam kay Panelo ay kinuwestiyon ng presidential spox kung bakit sinasabing pag-atake sa press freedom ang posibleng pagsasara ng ABS-CBN, na mapapaso na ang franchise sa March 30, 2020.