Home Features Papalitan kaya? Mang Tani miss na nila Mike, Mel, Vicky

Papalitan kaya? Mang Tani miss na nila Mike, Mel, Vicky

79
0

May pa-shout out ang mga newscaster ng 24 Oras ngayong Huwebes para sa kanilang resident meteorologist na si ‘Mang Tani.’

Si Mang Tani, o Nathaniel Cruz, ay nami-miss na ng mga taga-subaybay ng 24 Oras dahil sa ‘di nito paglitaw sa naturang news cast.

At nito lamang ay lalong umugong ang pangamba kung nasaan si Mang Tani dahil sa paglipat sa GMA ni Kim Atienza, na weather reporter ng ABS-CBN.

Kaya naman, to the rescue ang mga kasamahan ni Mang Tani sa 24 Oras para linawin kung nasaan siya.

“Bago po tayo magtapos shout-out muna tayo sa ating ekspertong totoo, si Mang Tani, si Ginoong Nathaniel Cruz,” wika ni Mel Tiangco.

“Si Mang Tani po ngayon ay nasa Melbourne, Australia kasama ang kanyang pamilya,” sagot naman ni Vicky Morales.

“Marami nang nakaka-miss kay Mang Tani. Kamusta na kaya si Mang Tani? Kailan kaya siya babalik?” pahayag ni Mike Enriquez.

Nagtapos naman si Vicky sa: “Stay tuned. We miss you, Mang Tani!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

20 − fifteen =