Home Features Para marami pang sumikat! Snow Badua aprub sa Pinoy import sa ibang...

Para marami pang sumikat! Snow Badua aprub sa Pinoy import sa ibang bansa

376
0

Walang nakikitang mali ang sports columnist na si Snow Badua sa nangyayaring paglipad ng mga bagitong Pinoy hooper sa Japan para lumaro sa B. League.

Nito kasing Setyembre 5, Linggo, ay dumagdag sa mga listahan ng mga lalaro sa naturang liga si Kobe Paras.

Siya na ang ikapitong Pinoy na magpapasiklab sa Japan.

Ngunit dahil dito, may ilang mga fans na rin ang nagaalala sa kinabukasan ng PBA, lalo’t mga bagito ang nangingibang-bansa.

Para kay Snow, ang pag-alis ng iba ang magbibigay naman ng oportunidad sa mga gustong lumaro sa PBA.

“PHL has so many talents. We were able to export millions of nurses, we have twice as much basketball players,” saad sa tweet ni Snow.

“We allow some to leave, we give chance to others,” dugtong pa niya.

“There are so many Juami Tiongsons who only need breaks. We had Ronjay Enrile, Lowell Briones, Jonathan Uyloan, etc,” ani Badua.

Ang kanyang naturang tweet ay bilang pagsagot sa sinabi ni Maverick Ahanmisi na dapat taasan ng PBA ang salary cap para maging pangunahing destinasyon ng mga Pinoy hooper.

Sa isa pang tweet, dinagdag ni Snow na walang karapatang magbanta o ariin ng PBA ang mga batang manlalaro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

4 + 4 =