Pinalagan na rin ni GMA reporter Shai Lagarde ang ‘How much you’ve changed’ challenge’ ngayon sa Facebook.

Kabog kahit ang mga artista kung pagkukumparahin ang dalawang larawan ni Shai, kung saan ang isa ay mula pa 2007 at ang isa ay ngayong taon lamang.

Imbis kasi na tumanda o malosyang dulot ng stress, tila bumata pa ang reporter at kuminis pang lalo ang kutis.

Di na nakakagulat pa kung mapapanganga ang sinomang makakita ng kanyang mga larawan.

“14 years ang agwat nito? Grabeee, pabata ka Ms. Shai,” reply ng user na si @_itsrm_.

“Ma’am Shai 2007, Grade 2 palang ako nyan… tapos ngayon mas matanda pa ko tignan kesa sayo,” saad naman ni @GidoReno57.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *