Ikinuwento ni GMA photojournalist Joe Galvez ang kanyang karanasan sa 18 araw na pagka-confine dahil sa COVID-19.

Nagpositibo umano si Joe noong Agosto.

Ibinahagi ng beteranong photojournalist ang mga naranasan sa loob ng pagamutan – ang kanyang mga nakita, nakausap, at naisip habang nagpapagaling.

Aniya, nang nasa ikasiyam na araw niya sa ospital ay doon na niya naisip ang posibilidad na hindi na niya ma-survive ang virus.

“I began to think of so many media colleagues who have died during the pandemic, before my confinement. Journalists Bobby Capco, Melo Acuna, Nonoy Espina, and Cris Icban. Photojournalists Manny Goloyugo, Noli Yamsuan, Sonny Yabao, Ed Santiago, Ey Acasio, Emerito Antonio, Jun Aniceta, Jess Yuson, Jun Estrada, Allan and Tunying Penaredondo. All of them were my friends,” saad ni Joe sa kanyang kwento.

Ngunit awa ng Diyos, gumaling si Joe at nagnegatibo sa virus matapos ang 18 araw.

“On the 18th day of confinement, I finally tested negative. I got a clean bill of health from my doctor. I’ve never felt so happy and relieved,” aniya.

“I thanked the doctor and the nurses who took care of me, who kept me company and made me feel alive. They are amazing professionals,” dugtong pa ni Joe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *