Home Features ‘Pumila po ako’: Gretchen Fullido hindi pa-VIP sa COVID vaccine

‘Pumila po ako’: Gretchen Fullido hindi pa-VIP sa COVID vaccine

104
0

Nakumpleto na ni Gretchen Fullido ang dalawang doses ng bakuna kontra COVID-19.

Sa isang Instagram post nitong Hulyo 19, nagpose si Gretchen hawak ang card na nakasulat ang: “I’m fully vaccinated.”

Natuwa rin ang showbiz reporter na isang oras lamang ang hinintay niya para makuha ang bakuna, ‘di gaya sa kanyang first dose kung saan inabot umano siya ng apat na oras.

“I was surprised that it took just 1 hour in total to get my 2nd dose vaccination in Taguig… Pumila po ako just like everyone else,” kwento ni Gretchen.

Kasabay nito ay hinikayat din niya ang mga netizen na kumilos at magpabakuna na laban sa pandemya.

“The faster we all get vaccinated, the faster we can hopefully end this pandemic. We just have to be hopeful and cooperative. It is for our own good and to save more lives,” saad pa sa kanyang post.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

nineteen − nine =