Matinding mensahe ang ipinahatid ng beteranong journalist na si Danilo Arao para sa mga kasamahan niya sa industriya.

Sa kanyang tweet nitong Sabado, sinabi ni Arao na hindi dapat maging product endorser ang mga journalist.

Ayon sa kanya, ito ay dahil dapat iwasan ng mga mamamahayag ang tinatawag na conflict of interest.

“Journalists cannot be product endorsers. This is a long discussion best summed up in three words: Conflict of interest,” saad sa tweet ni Arao.

Sa isa niyang reply sa naturang tweet, ikinalungkot ni Arao na dahil sa paglabas sa mga product endorsement at may ilang journalist na ang nasuspinde o natanggal sa trabaho.

“There are others who got suspended or fired due to product endorsements. There are also those currently tolerated, sorry to say,” aniya.

Si Arao ay professor ng journalism sa University of the Philippines at convenor ng grupong Kontra Daya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *