Sumakabilang-buhay na ang isa sa mga beteranong mamamahayag na si Edwin Sevidal.

Nakilala bilang si ‘Radyo Patrol 37’, lampas dalawang dekadang nagsilbi si Sevidal sa radio station ng ABS-CBN na DZMM.

Ilan sa mga mahahalaga nitong naikober ay ang nangyaring Maguindanao Massacre (2009), pagpanaw ni dating DILG Secretary Jesse Robredo at ilang matitinding bagyo na tumama sa Pilipinas tulad ng Sendong at Pablo.

Bilang reporter, ilang award din ang nakuha ni Sevidal, kabilang na rito ang best field reporter sa KBP Golden Dove Awards.

Matapos ang pagsabak bilang reporter ay naging news gathering chief ng DZMM si Sevidal.

Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kasamahan sa industriya para bigyang pugay ang isa sa pinakamahusay na radio reporter sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *