Home Features Raffy Tulfo gustong maka-collab, inindyan ng vlogger!

Raffy Tulfo gustong maka-collab, inindyan ng vlogger!

81
0

Kahit ang mga sikat na Youtuber tulad ni Raffy Tulfo, hindi pa rin ligtas sa mga ‘ghoster’.

Kinuwento ni Raffy ang nangyari sa kanya noon kung saan hindi siya sinipot ng isang content creator na humiling makipag-collaborate sa kanya.

Ayon kay Tulfo, hinanda na nila ang lahat ng kakailanganin para sa gagawing content, ngunit bigla na lamang nag-text ang kampo ng vlogger at sinabing hindi ito makakasipot.

“Minsan may isang tao, gustong makipag-collab sa’kin… then nagkaroon ako ng time, sabi ko ‘Sige collab tayo,'” kuwento ni Raffy.

“Nag-ready ako, gumawa ako ng malaking preparation ang all, nandoon na ako sa site… and then, last minute [nag-text] yung tauhan, hindi matutuloy,” ayon kay Tulfo.

Lahad ni Tulfo, kaibigan niya ang naturang content creator at hindi pa raw ito nagso-sorry sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

five × 4 =