Home Features Raffy Tulfo ‘manok’ ng PDP-Laban sa Senado

Raffy Tulfo ‘manok’ ng PDP-Laban sa Senado

26
0

Ibinuking ni PDP-Laban Provincial Chairman at Eastern Samar Governor Ben Evardone na kasama ang TV personality na si Raffy Tulfo sa senatorial ticket ng partido para sa 2022 elections.

Ani Evardone, nakausap niya raw ang Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo tungkol sa kanilang magiging pambato sa Senado at kasama ang pangalan ni Tulfo sa mga ito.

“He is now finalizing his lineup na i-endorse niya,” pahayag ni Evardone sa Politiskoop.

Sa nakaraang survey ng Pulse Asia na inilabas noong Hulyo 13 ay pumang-apat si Tulfo sa mga matunog na pangalan sa pagka-senador. Sa naturang survey ay 46.4% ang nagsabing iboboto nila si ang TV host.

Kasama ni Tulyo sa umano’y listahan ng presidentiables ang kapwa TV host na si Willie Revillame, na sa naturang survey ay pasok din sa ‘Magic 12.’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

1 + eighteen =