Apat na media brand ang nanguna sa tiwala ng mga Pinoy sa 2021 Digital News Report ng Reuters Institute for the Study of Journalism (RISJ).

Sa mga tabloid, nanguna ang Abante kung saan 47% ng mga Pinoy ang nagtitiwala, sinundan ng Bulgar na may 40%.

Para sa telebisyon, nasa tuktok ang GMA Network kung saan 74% ang nagtitiwala sa kanila, habang 9% lang ang bumoto ng ‘don’t trust’.

Sinundan sila ng TV5, na may 68% na nagtitiwala, 60% naman para sa state-run media na PTV at nasa dulo ang ABS-CBN na may 57%.

Samantala, sa mga broadsheet, pinakapinagkakatiwalaan ang Manila Bulletin kung saan 69% ang nagtiwala sa naturang pahayagan.

Dikit lang ito sa Philippine Star (68%) at Philippine Daily Inquirer (66%).

Namayagpag din ang radio station ng GMA na Super Balita DZBB na nakakuha ng 65%, sinundan ito ng DZRH na may 64% habang may 63% naman ang TeleRadyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *