
Tinesting ni ABS-CBN reporter Jacque Manabat kung malaki nga ba ang pagkakaiba ng pagbiyahe sa Skyway Stage 3 at EDSA.
Sa Tiktok video ni Manabat, binaybay niya ang kabuuan ng Skyway mula Balintawak patungong NAIA Terminal 3 sa Pasay City.
May hiwalay ding crew na binagtas naman ang EDSA para makapunta sa NAIA.
7:25 am nang makapasok na si Manabat sa Skyway Stage 3 sa Balintawak tollgate.
Bandang 7:51 am ay palabas na sila ng Buendia, at 8:03 am ay nakarating na si Manabat sa meeting place sa NAIA.
Umabot ng halos isang oras ang paghihintay ni Manabat sa dumaan sa EDSA, na nakarating sa NAIA bandang 9:02 am.
“Anong pipiliin mo, iyong may bayad pero mabilis ang biyahe, o yung libre pero matagal ang biyahe?” tanong ng mamamahayag.
Free of charge but heavy traffic or with payment but faster travel? We tried Skyway Stage 3 & EDSA at the same time.
Skyway: ₱264
EDSA: no payment
This was taken morning rush hour yesterday, July 12, when Skyway Stage 3 started collecting toll. pic.twitter.com/co429qz7Tz
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) July 13, 2021