Home Features Sapul sa pang-aagaw ng dyowa! Ermat ni Heaven pumatol kay DJ Chacha

Sapul sa pang-aagaw ng dyowa! Ermat ni Heaven pumatol kay DJ Chacha

308
0

Bagamat walang pinangalanan, pinatulan ng nanay ni Heaven Peralejo na si Luanne ang mga patutsada ni DJ Chacha sa Twitter.

Noong nakaraang linggo pa nai-tweet ni DJ Chacha ang mga parinig tungkol sa pang-aagaw sa relasyon.

“Wag niyong kaugalian mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan niyo yan. Hanggang sa pagtanda, madadala niyo yang ugali na yan,” saad sa unang tweet ng DJ.

Ang masama nito, sa araw ng pag-tweet ni DJ Chacha ay kasagsagan ng pag-amin ni Heaven na sila na ni Kiko Estrada. Si Kiko ay ex naman ni Devon Seron at si Heaven at tinuturong dahilan ng hiwalayan.

Dahil may mga netizen na nag-reply sa tweet ng DJ na tungkol ito kay Heaven, nag-tweet ulit ang radio host.

“Kapag walang name drop wag mag-assume na para sayo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan yun ng nagpost ibig sabihin non’ guilty ka. Ganon lang yon,” aniya.

Ngunit nitong Agosto 19, hindi na nakapagpigil si Luanne at deretsahang binanggit si DJ Chacha sa kanyang tweet.

“Yung mga taga showbiz dyan na gusto mag promote ng bashing pero puro encrypted message mag tag kayo kung matapang talaga kayo. Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @_djchacha,” saad sa tweet ni Luanne.

Sa kabilang panig, hindi na sinagot ng DJ ang banat ni Luanne.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

19 − 2 =