
Nainis ang dzBB anchor na si Joel Reyes Zobel dahil sa pagbawi ng National Task Force on COVID-19 efforts ng protocol na paglalagay ng motorcycle barrier para sa maga-angkas kahit magkasama sa iisang bahay.
Saad ni Joel, kung kailan nakagastos na ng abot sa P1,000 ang mga kababayan ay saka lang nila naisipang bawiin ito.
“Ni-require ang mag-asawa,magkasama sa bahay na mag-suot ng barrier sa motorsiklo. Tapos binawi. Pinagastos ng 500 to 1k. Wala na ngang ayudang nakuha, pinagastos pa,” giit ng radio anchor.
“Ngayon babawiin?! Paki-bigwasan nga ang pinagmulan ng ideya. Anak ng kamote!” aniya pa.
Ni-require ang mag-asawa,magkasama sa bahay na mag-suot ng barrier sa motorsiklo. Tapos binawi. Pinagastos ng 500 to 1k. Wala na ngang ayudang nakuha, pinagastos pa. Ngayon babawiin?! Paki-bigwasan nga ang pinagmulan ng ideya. Anak ng kamote!
— Joel Reyes Zobel (@joelzobel) August 18, 2020
Nitong Miyerkoles ay pinayagan na ng NTF ang pag-aangkas sa motorsiklo kahit walang barrier para sa mga mag-asawa o magkakasama sa bahay. Kailangan pa rin nito kung ang angkas ay hindi nakatira sa iisang tahanan.