Home Features Season of trolls? Jeff Canoy dinumog ng mga bagong gawang Twitter account

Season of trolls? Jeff Canoy dinumog ng mga bagong gawang Twitter account

304
0

Nagbabala si Jeff Canoy sa muling pag-atake ng internet at social media trolls lalo’t paparating nanaman ang election season.

Sa kanyang tweet noong Agosto 24, ibinahagi ni Canoy na nagkaroon siya ng ‘hundreds’ na bagong followers na mga account na walang followers o sila-sila mismo ang nagfa-follow sa isa’t-isa.

Kwestyonable rin umano ayon kay Canoy ang profile ng mga bago niyang followers dahil wala itong mga profile photos o kung mayroon man ay halatang kinuha lang ito sa alinmang parte ng internet.

“Hundreds of new followers that are either recently-created users, have zero followers or are following each other, have a history of intermittent fandom retweets or with no profile photos (or obviously grabbed ones),” ani Canoy.

Hinala niya, ang naturang mga account ay gagamitin ng mga trolls para i-harass ang mga mamamahayag sa paparating na halalan sa 2022.

“And with what we experienced during previous election cycles, these accounts will likely be used for targeted harassment of journalists, bully social media users, discredit experts and spread disinformation, misinformation and lies about candidates, policies and history,” pahayag ng reporter sa isa pang tweet.

Tinawag niya rin ang attention ng Twitter tungkol sa pangyayari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

three + 16 =