Home Features Selyado na! Dos Por Dos nina Ka Tunying, Gerry Baja nasa DZRH...

Selyado na! Dos Por Dos nina Ka Tunying, Gerry Baja nasa DZRH na

673
0

Selyado na! Dos Por Dos nina Ka Tunying, Gerry Baja nasa DZRH na

Kumpirmado na ang usap-usapan na may bagong tahanan ang radio program nina ‘Ka Tunying’ Anthony Taberna at Gerry Baja.

Ito’y matapos ibahagi ni Taberna sa kanyang Instagram account na tapos na ang pirmahan para makalipat ng ‘Dos Por Dos’ sa poder ng dzRH.

“Bagong bahay ng Dos Por Dos. It’s official, nagkapirmahan na! Salamat sa pamilya DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC) sa naglalagblab na pagtanggap,” ayon kay Taberna.

Natapos ang naturang programa sa dzMM Teleradyo kasunod ng nangyaring pag-shutdown sa ABS-CBN, kung saan naapektuhan din ang kanilang mga radio station.

Ilan sa mga bumati sa bagong chapter ng tambalang Taberna at Baja ay sina TV host Bianca Gonzales at dating Senador JV Ejercito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

one × three =