Home Features Sev Sarmenta duty sa Olympics

Sev Sarmenta duty sa Olympics

24
0

Matapos ang ilang buwan na pagkauhaw sa sports, bubuhos ang aksyon ngayong Hulyo dahil sa pagbubukas ng ilang liga at event, kabilang na rito ang 2020 Tokyo Olympics.

Sa tweet ng beteranong sportscaster na si Sev Sarmenta, sinabi nito na tutok muna siya sa pag-cover ng quadrennial event.

Dahil magiging busy sa Olympics ay pinaalalahanan niya ang kanyang mga follower na baka hindi muna siya makasagot sa mga tanong tungkol sa PBA at volleyball.

“For the next few weeks my assignment will be the Olympics so I might not be able to respond to your PBA and volleyball posts,” ayon kay Sev.

“Enjoy the season of sports. Let’s hope we can all go slowly back to our games and venues safely.”

Sa July 23 ang opening ceremony ng Olympics, habang sa Biyernes, July 16, naman ang pagbubukas ng PBA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

17 + sixteen =