Nagulat si Sev Sarmenta sa kinalabasan ng laban ni Nesthy Petecio at Sena Irie ng Japan sa gold medal match ng women’s featherweight division sa Tokyo Olympics nitong Martes.
Bilang isa sa mga nakasaksi ng laban, nakita ni Sev kung paano nagtapos sa isang unanimous decision pabor kay Irie ang naging resulta ng laban.
Kung si Sev mismo ang tatanungin, hindi siya kumbinsido na nabigo si Petecio, bagamat proud pa rin ito sa narating ng Pinay.
“Nesthy Petecio’s Olympic silver is still a source of pride. What a journey! I am just disappointed that the opponent came only to hug and not really box and still won the fight. Such is life in sports,” saad sa isang tweet ni Sev.
Bagamat natalo sa first round, bumawi si Petecio sa second round, habang sa third round naman ay halatang mas agresibo ito at mas maraming napatamang suntok.
Gayunpaman, wagi pa rin si Petecio bilang unang Pinay boxer na nakapag-uwi ng medalya sa Olympics.
https://twitter.com/sportssev/status/1422449028093014017