Home Features Sev Sarmenta puno ng paghanga kay Paalam

Sev Sarmenta puno ng paghanga kay Paalam

247
0

Kahit kinapos sa gintong medalya, tiwala si Sev Sarmenta na malayo pa ang mararating ni Pinoy silver medalist Carlo Paalam.

Bilang broadcaster na nag-cover ng mga laban ni Paalam, alam ni Sarmenta na dekalidad na boksingero ang 23-anyos at marami pa itong magagawa sa hinaharap.

“It was a great run by Carlo Paalam, being so young the future looks bright for him,” pahayag ni Sarmenta.

“Paris is just three years away, Carlo I think is looking at that, and let’s hope that Nesthy (Petecio) will also look at that. This is an inspiring achievement by this team, this will inspire the next generation of boxers that we can come this close,” dagdag pa niya.

Hindi rin daw biro ang narating ni Paalam sa Tokyo Olympics at habangbuhay na ito nakatatak sa kasaysayan.

“In the future when people look at the records, in the same way we look at Onyok Velasco and Anthony Villanueva, they will forever be silver medalists. Even the guys who won bronze. These are places of honor,” dagdag pa ng beteranong broadcaster.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

17 − 15 =