Home Features Sinundan viral video ni Karen! Mga netizen nawili sa gulat na mukha...

Sinundan viral video ni Karen! Mga netizen nawili sa gulat na mukha ni Henry Omaga Diaz

280
0

Good vibes ang hatid ni Henry Omaga Diaz sa pagtatapos ng episode ng TV Patrol noong Martes nang gayahin niya ang viral reaction ni Karen Davila.

Sikat ngayon sa social media ang reaksyon ni Karen sa kanyang vlog kasama si Lyca Gairanod kung saan gulat na gulat ito nang malaman na pareho sila ng kaarawan ng singer.

At tila naging contagious kay Henry ang energy na ito ni Karen nang gayahin niya ang ‘shocked’ reaction.

“Tapos na ba Patrol?” wika ni Henry habang ginagaya ang mga actions ni Karen sa viral meme.

Kaya naman, hagikgik din ang mga netizen maging ang mga kasamahan niya na sina Bernadette Sambrano at Noli de Castro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

17 + one =